happy new year
at dahil uso naman ang pagppost ng mga nangyre sa buhay last year, yata, magppost na din ako katulad ng ginawa ko last year. kahit na medyo madami kaming gagawin, ok lang, pang pampaalis ng stress kahit paano tong gagawin ko ng masiyahan naman ako. ok, dami ng sinasabi. go na.
January
hinding hindi ko makakalimutan ang araw na ito dahil ito ay ang buwan na sumali ako sa mr. and ms. AB. o dba? malayo layo din ang narating ko, hindi ko akalaing andoon ako dahil ni sa panagnip ko hindi pumasok na masasali ako sa isang pageant. masaya dahil ramdam ko ang suporta ng mga tao, ang mga taong maaga pumasok para gawan ako ng very colorful banner, ang mga taong minadali ang prof para makanood sila ng pageant, at ang mga hiyawang walang kapantay sa lakas talaga. thank you. this was a great experience for me, para magkaroon ng new friends, matutuong makihalubilo, more. tsaka maappreciate ang sarili ko. thank you talaga.
February
katulad ng sinabi ko sa sinulat ko entitled 28th of July (na unti lang ang nakakaalam), akala ko ang valentines ay para lang sa mga taong inlove, para sa kanila lang ang araw na iyon, at hindi ko akalain na sa month na ito ay mapapabilang na ako sa kanila. naramadaman ko ang 'spirit' ng valentines dahil sa naexperience ko. i felt special, really special. salamat.
sorry pala kaya nas kasi hindi ako nakaattend ng bday treat niya nung araw na iyon, ayaw mo yun, menos gastos. haha. joke.
March
ito yung nag punta kami sa loreland with my friends. parang first outing na onti lang kami pero masaya. naglaro, nagswimming, nag sort of 20 questions na may winner answers syempre, at total bonding sa kubo. may hindi din ako makakalimutan nito. "the talk".....
clearance day and enrollment day. supposedly manunuod ako ng mr. bean the movie nun. di natuloy, kaya naglibot kami ni bab sa robinson's metro east, the place to be. at tinawanan namin ang mala-pneumonia-ng winnie the pooh stuffed toy at mickey mouse dun. parang naalikabukan na may sakit na di mo maintindihan. nag jollibee din kami ni bab at nagkwentuhan hanggang sa mapudpod ang dila. salamat bab.
at dahil bakasyon, instant drayber ako ng nanay ko. may sweldo naman ako at free food. kaya medyo nakakaipon. yes. at araw araw ako nandoon sa bahay ng pinsan ko, nakikitambay habang hinhintay si mama.
April
drayber all the way. c'mon. pero kasama na din dito ang paglilibot namin sa iba't ibang malls kaya okay na din. ito ang buwan na sinurpresa namin si jen nung birthday niya. lusot na sana kami kaya lang nahalat nung nandoon na kami sa gate nila. ang nanay niya, sa sobrang kakatago, pati mga utensils eh sa banyo na hinuhugasan, at ang pagkain na pang handa ay nakatago sa garden. haha. masaya to. sobra.
Last week of April ay nagenroll ako sa NSSI sa may east ave. Training siya sa pagsasalita, confidence, at paano mag communicate sa mga tao. masaya to, andaming matututunan tsaka new friends of all age brackets. yung iba kasi mother na, yung iba single mom, yung iba ka age ko, mas bata, lahat. it was a different yet happy experience. kasi i also learned about their lives, interesting kasi iba ibang storya.
May
First week yung last week ko sa NSSI, malungkot pero ayos lang kasi constant communication naman. May 2 ang last, and it was my birthday. grbe, effort ang mga tao. super nagulat ako kasi surprise party (malamang) kaya nagulat. anyway, kala ko sio meg lang ang kasama ko magddinner. tapos, biglang andoon yung iba kong friends. most especially nagulat ako sa kanya kasi sabi niya inutusan siya ni mama niya na pumunta sa isang lugar para asikasuhin ang educational plan niya.
I got my first baby here, si buttercup, ang anak ko. at isang malaking box na punong puno ng mga items na nagrrepresent sa akin. may kasama ding mega effort card na may messages and explanations from my friends kung bakit yun yung item/s. at nakatanggap din ako ng favorite flavor ng cake, coffee crubmle. yummy. thank you july and tine sa effort. sobrang best birthday.
nung may 5 ay nagstarcity naman kami ng mga tao. masaya. puyat, tawanan ang mga kumakanta sa stage sa may baywalk, at maglakad ng napaka layo. masaya kasama mga gimik friends:)
June
Pasukan na. Medyo hindi good start, but eventually, naging good din. Warm up muna sa mga new professors. At simula pa lang ng june ay nagpplano na ako ng gift for him kahit last week of june pa ang birthday niya. gusto ko prepared para, wala, prepared at maayos. woeh. andoon ang scrapbook na kaming dalawa nalang ang may alam at yungibang kasama ko nagplano, pillow, at pinagawang donuts from cello's. happy birthday july:)
July
ito yung nagstart na ang SLE or structured learning experience. magcconduct ng own training, pero sinimulan syempre ng aming magaling na prof na si Sir Kliatchko. woohhhooo. masaya tong first SLE kasi puro activities tsaka this was the first time na may sinabi ako sa isang tao nung huli. nung una nga lang medyo may clash inside our circle, pero buti na lang at naayos na. hinding hindi pwede mawala ang isa sa kanila. thank god ok na lahat.
August
SLE pa din. ito yung planning na ng own SLE namin. pressure at nakakapagod kasi ang daming kailnganang gawin.
aside from that, ito na, nahirang na bagong ms. behavioral science, our very own aj cericos. wohoo. 3peat na ito. masaya and she was so pretty and all that. ito din yung nag 3peat din ang batch namain sa dance competition. yehey. sagaran ang practice dito, pero worth it naman.
masaya lang tong GA itself kasi my mom was there nung pinass ko na ang crown sa next ms. bes. ewan ko, she was crying when she saw me sa stage. sinabi niya sa akin na ang swerte niya daw sa akin. she was so thankful daw to have me. aw. haha.
September
Conducted our own SLE's. there were three groups, at lahat okay. sobrang nakakataba ng puso yung sinabi ni sir na ang mga ginawa namin ay beyond his expectations. sobrang galing na prof niya kasi kaya nagawa namin lahat yun. hehe.
1 year na ang nakakaraan nung nagsubic kami. ayan, bringing back the memories that month, lahat ng mga pagod ng officers, mga putikang dinaanan namin sa bundok, ang suot ni sir na parang hospital dress na apple green ang kulay, ang mga taong natulog sa shore dahil wala ng natulugan, ang tropa namin na pinapak ng lamok dahil sa kubo kami natulog, lahat. isa sa outing ng bes. educational kuno ngunit hindi. haha.
October
finals na. babay professors. except for one na makikita namin sa second sem. oh noo. ok naman ang finals, i think. pero nanghhinayang kasi hindi ako umabot. peste. cge try pa. hehe.
nagvacation kami ng nanay ko sa cagayan de oro, bukidnon, camiguin, at iligan. just view my previous entry. haba nun eh. hehe. masaya talaga.
clearance, enrollment uli. hala, ubusan ng boses kakadaldal. hay, fun times:)
tenen, ang mga professors ay bago sa aming paningin lahat, nakakatakot kasi si mam ellar lang ang kilala namin, the rest, wala talaga kaming clue. so far, ok naman except for one. kailangan ng matuto magbasa ng mahaba, dahil pag hindi, bokya ang abot.
November
ito yung buwan na bigla akong naging sakitin, ayun, tinamaan ako ng uti. hehe. natawa pa eh noh. ilang linggo din akong ginagamot. nung magaling na, bawal na ako sa lahat ng maalat, softdrinks, at pancit canton. aw. kawawa naman ako. i am deprived. kaya tumatakas na lang ako ng konti minsan. bad girl.
nakamiss ako ng quiz sa poldy dahil dun kaya ngayon pinagiisipan kong mabuti kung paano makakahabol. sana kayanin.
nagpplan na din ako ng christmas gift for him.
December
plan. plan. plan. and it was all worth it:) nalagpasan ko ang isang challenge, na natatakot talaga akong gawin. hehe. willing to risk. yehey.
natatawa ako kasi ito yung month sinabihan akong palengke queen ng prof namin. haha. lagi niya kasi akong naabutang tumatawa at dumadaldal. sabi pa niya ipapapulis daw niya ako, sabi ko isasama ko siya. bastos eh noh. haha. happy new year mam.
SENSITIVITY TRAINING!!!!
gumawa kami ng thesis paper kuno kina sheila na nauwi sa pagpapaputok na lang. mas masaya pa. joke.
christmas party sa mother side, nanood ng gig ng AB chorale sa moa, global fun, christmas messages= SAYA!
eve of new year, hindi kami nagpaputok. aw. kumain, kwentuhan for a while then tulog na uli. wow!
*******************
happy 2008 sa lahat! sana maging okay ang taon na ito, o di kaya's gawin nating okay para mas masaya.
resolution ko? wala. sa akin kasi hindi lang new year ang time ng pagbabago, any time of the year pwede. eh since nung sembreak pinromise ko sa sarili ko na mas magiging open minded na ako, mas magaaral pa, at mas iintindihin ang lahat ng bagay...so far, nagagawa ko naman. iccontinue na lang siguro, more.