starting my '08
sunday naman ngayon, at feeling ko wala naman pang gagawin, i will try to update my blog, dahil kung hindi nonsense, eh sadyang walang kwenta na talaga mga pinagsasasabi ko, o pareho lang yun?
January- February (not in order)
-nag prelims kami, hindi ka pa man nakakaget over sa christmas vacation, libro at sangkaterbang handouts na kagad ang kaharap namin. puyatan, nagffeeling na matatapos ang 60 plus pages para lang sa isang subject *ehem, TOP at Political dynamics*, nung solian naman ng papers, happy talaga ako sa results except for one, *curse you, TOP*... yung iba ngayon lang ako buong buhay ko nakakakuha ng ganoong mark, masaya talaga.
- campaign period. nafflatter ako dahil may mga kumukuha sa akin para maging officer ng behavioral science. but no. hindi dahil sa ayoko, hindi lang ako mahilig talaga sa politika, at baka kung mapaano ang grades ko if ever. sayang naman. inaamin kong mabilis maapektuhan ang grades kapag may innisip na iba. campaign manager ako ng partidong KASAMA (kabalikat at sandigang aabot sa matagumpay na adhikain), masaya lang kasi nakakatulong ako sa kanila, especially friends ko yung iba sa kumakandidato.
- AB week. masaya na hindi, na hindi gaano feel na AB week. oo naka shirt kami ng kung ano, pero that's it, let's go to class pa din. nalulungkot lang din ako kasi dapat kasama ako sa sportsfest, at ang iba sa amin, eh tinaggal dahil wala daw pondo? i think. aba, kahit tumbang preso lang yun, sayang din yun, ganitong namimiss ko ang pagtakbo. kasama din dapat kami sa street dance competition na inter-major, nagbackout na kami kasi 3 days before the compet lang sinabi kung kelan ang compet, napakagaling.
-training. kami ang first foup at masasabi kong okay naman, grbehan lang talaga sa puyatan, at kung nanganganak lang ang mga kalyo natin sa kamay, eh malamang lamang lang eh happy family na ang akin dahil sa magdamagang paggugupit ng props. masaya, though may something that makes it, uh...awkward? blah.blah.blah.
-training ng group nina july. wow. hanga ako sa samahan nila, super solid na tipong may instance na nakakainggit. naiyak nga ako nung hinug ko si stella dahil ang group nila ang aking mga lrt mates/super friends, apat na linggo kaming hindi umuuwi ng saby sabay. takte, nakakamiss silang lahat! magkasunod kasi kami ng group kaya ayun, busy. yeah! tapos na pareho!
-nagkita kami ng aking father.
- may inaaral ako nagyon *ooops, hanggang dito na lang*
----------------------------------------------
Ang mga statements na sasabihin ko sa ibaba ay naka address sa specific na tao. bahala na kayo mag assume, manghula, o kung ano pa man, basat ako, wala akong babanggitin na pangalan:
1. masama ang loob ko sa iyo. one time big time insulto ang ginawa mo sa akin. may mga oras na gusto kitang kausapin na ng normal, pero kapag nakikita kita o nakakausap, bumabalik sa akin ang mga foul mo na sinabi. siguro para sa iyo, it was a joke, but for me, it was a BIG insult. i'm not angry or anything, disapponited lang talaga ako sa iyo. don't worry, mawawala din 'to. hindi nga lang ngayon. kinakausap kita minsan hindi dahil sa pinaplastic kita, tintry ko kasi ibalik sana yung dati kong tingin sa iyo at kalimutan na lang ang nangyari.
2. sobrang busy na natin, pero salamat kasi hindi ka nakakalimot. ang dami ng nangyari sa atin. salamat kasi kahit na ang init ng ulo ko, may sakit ako, o sadyang trip ko lang mabad trip, naiintindihan mo ako. salamat,.
3. ikaw ang isa sa dahilan kaya pinagbubutihan ko ang pagaaral ko, malaki ang nagagawa mo sa akin, hindi mo man alam ang grades ko sa bawat test/quiz papers na sinosoli sa atin, i assure you, inspired ako kaya super okay ang grades ko.
4. thank you kasi kahit na lagi akong wala sa bahay, gabi na umuuwi, lagi mong pinapakita na proud ka sa any little achievements ko kapag nagtetext ako. ikaw ang pinaka dahilan sa lahat ng pagpupursige ko sa pagaaral.
5. isa ka din sa taong masama ang loob ko. merong iba sa iyo na talagang kumukulo ang mga dugo namin. exaj ba? totoo yun actually. bawasan mo sana ang pakikipag mataasan mo sa lahat ng tao in all aspects, life is not a competition you know. i love the person you are with right now dahil isa siya sa pinaka matalik kong kaibigan, kaya sana you'll be sensitive enough not to embarass him/her, kahit ikaw ang nagsasalita, naiiba minsan ang image ng taong lagi mong kasama. may nagawa ka din kasi sa akin na foul talaga at sa taong importante sa buhay ko. at sa mga kaibigan ko na malaki ang naging epekto. we are not your enemies, we are not here to compete with you, so i just think na it's time for you NOT to compete with us. huhupa din ako sa nararamdamang kong ito, but then again, not now.
6. namimiss ka na namin sobra. sana sa mga susunod na lakad ay makasama ka na namin. pasesnsya ka na sa usap natin dati na may nasabi ako sa iyo about someone. kilala mo ako, sensitive akong tao at ayokong may nasasabi sa aking foul nor sa mga kaibigan ko. ayun, sama ka na sa amin minsan:)
7. salamat sa iyo. kasi kahit hindi tayo magkasama sa iisang classroom, lagi kong nararamdaman ang spark ng ating friendship. woeh? spark. namiss ko ang ating moments together, kaya buti na lang eh wala kang susuotin sa lunes, nakaalis tuloy tayo ng biglaan, hehe.
8. sa inyo, wala kayong kakupas kupas. sa dami ng pinagdaanan nating mga issues eh we ended up together pa din. kahit na ang laki laki ng ating grupo.
9. sa inyo, grbe, walang moment na hindi tayo nagpapakabaliw. mga pa cute na mukha, kiss sa balikat, conyo talk, laughtrip, grbe, ang saya. salamat sa inyo talaga. kasi kahit hindi ako kasama sa inyo, parang basta, hindi ko na feel yun.:)
10. para sa isang taong never nawalan ng advices, walang sawang tumutulong sa kahit na sino, at pag dating sa mga plano ko, ikaw lagi ang kasabwat ko. dahil din sa iyo kaya mas naging confident ako, matured, and mas naging open minded. nakatulong talaga yung mga naturo mo sa akin.
11. life time partner ko siya. lagi kasi kami magkasunod, magka group, lahat. he/she knows almost everything, salamat sa mga advices at sa pagkalma sa akin pag nagagalit na talaga ako sa mga bagay bagay. haha.
12. thank you sayo kasi kahit na lagi tayo pinagtitinginana sa fx sa sobrang lakas natin humalakhak, eh hindi mo ako iniiwan. haha. salamat kasi naging mas close tayo ngayon.
13. wala akong AIDS.
meron ah, di ba 19 ka na?
salamat kasi tanggap mo kakornihan ko.