aug 19 (sunday)
fiesta sa amin, ang fiestang di mo maramdamang fiesta. inilipat namin yung birhen sa kapitbahay (routine na kasi yun dito) nakakatawa kasi eh di gospel sharing.
1: o sister marlyn, ano naman ang msasabi mo sa gospel kahapon? di ba nag anticipated ka.
2: (thinking) uh, kwan, ano ba yun? ahhh, yung pag ibig, sabi ng pari...uhhh... hay nakalimutan ko na, mahina na talaga ang ano, yun, memorya ko sa ganyan(giggling)
1: (explained the gospel)
nakakatawa talaga to, di ko na alam kung saang sulok ako magtatago para lang makatawa.
next: intentions na kailangan ishare sa lahat:
1: blah3
2: blah3
3: ako na ito, secret nalng
4: (while crying) "...hayaan mo ako maging
mabuting pastol sa aking mga anak"
tawang tawa din talaga ko dito, maganda siyempre yung sinabi pero, ewan ko, natatawa talaga ako sa kalaliman. haha.
pumunta kami pagktapos ng mass sa ever, na kung saan may malaki silang ukay2. akalin nyo eh nakabili ako ng tatlong skirt na P165 lang lahat, wow sulit! (kfc commercial?) haha. yezzz. i'll be back!
aug 20 (monday)
san miguel, bulacan
guiguinto, bulacan
death anniversary ng aking lola, kaya hatak ang buong mother side para pumunta sa sem,enteryo at magdasal. naeenjoy ko ang mga ganito kasi nagkikita kita kaming lahat, hindi naman ako super close sa lahat pero walal lang, masaya lang yung feeling. bilin nga ng lola ko, eh sana lagi kaming magsasama may okasyon man o wala. gusto ko yung katagalan ng biyahe, well, hindi naman katagalan. ang sarap nung matutulog ka lang sa biyahe o kaya makikinig sa mala bombo radyong tinig ng mga tita mo. hehe. same routine, pagdating dun, wait for the others, kakain nung mga dinalang foodams, at magdadsal ng rosaryo na lagi ako ang nagsstart, but not this time.
pagkatapos nun eh dumeresto kami sa bahay ng pinsan ko sa may guiguinto, dun kami naglunch at nagbond. wala kaming ginawa ng pinsan ko kundi magpaka vain. tapos nun, eh nagsama ang mga girl member of the family sa isang kwarto na kung saan eh nagkwentuhan/pahinga/matulog. masaya yung feeling. yeah.
huling linggo ng prelims
at dahil nga sa walang katapusang bagyo, sa wakas eh natuloy din ang prelims namin, puro major nga eh, saaarap (sarcastic), sakit sa ulo magbasa ng saksakan ng dami, mag memorize ng mga terms, at intindihin ang bawat word na binabanggit dun, ang consolation nalang eh sa wednesday: 'gagala talaga kami!'.
so ayun, wednesday! sugurin ang mall. hehe.
1st group:
kasama ang tropa ko. ian, bab, meg, bel, nas, ced, chuckie, ako (malamang), sayang wala si jamy, tine, shiela, rachel at exito. pumunta kami sa sm san lazaro. o dba ang layo? haha. kumain kami ng madami tapos nag gbox kami. gbox ay ang lugar kung san kami lagi pumupunta upang magbasag ng mga tenga. videoke iyon. may mga team kami, ewan kasi even number kami kaya naisipan mag team2...
bel & bab: mai-team
ian & helena: pata-team
ced & nas: team-awa
chuckie & meg: team-ba
kampihan yan sa videoke. haha. akalain mo eh ang team namin na puro bitter songs at maba3ng boses eh nakuha ng 97% score. wohoo. masaya, kasi yung mga kanta, iba2 ng theme, may mga pangmatanda, bitter-an, mga patama, at kung ano2 pa. nagiging wild kami bigla. sigawan ng sigawan. tuksuhan pa sa team-awa. yihee. tapos nun, eh umuwi na si bab, ian, at bel. ang mga natira eh nag 'world of fun' (sa sta. lucia worlds of fun)--gayahan? hehe. anyway. ayun naglaro ang iba sa amin. at nagshowdown kami ng basketball ni team-awa. well, lamang lang naman ako ng 10 points. 58-48.. yehey. starbucks kami pagkatapos. hindi na ako bumili kasi anytime eh magttxt na si hulyo, ang sign kung kailngan ko na umalis.
2nd group:
sinundo ako sa cubao habang nagguilty sa sobrang kalate-an. hindi nako maktaingin nga deretso talaga. at musta naman ang marcos hi-way trapik pa papunta kna den. nako, kami nalang hinhintay. no talk talaga kasi nahihiya na talaga ako. naka dating din kami sa wakas. kasama ko sina hulyo, den, stella, iana, don, lorenz, jerico. kaming lahat nakisabay. pero dahil sa nagyri (secret na lang), nagtaxi kami. hiwalay girls and boys. ayun, pumunta na kami ng eastwood. at doon nagsulputan sina dawna, lindel, athena, ted, homer(ba yun?). kumain kami sa fazoli's, ang pasta-han ng bayan. gutom na gutom kami pero mablis makabusog, kaya sapilitang pinaubos sa akin ang nasa plato ko. sayang eh.
nag bedroom kami pagkatapos, naginuman (sila), habang ako ay nakikipag kulitan at kwentuhan lang kay hulyo. say NO to everything ang aking motto parati. haha. eh ganun eh. nagpicture-an, at nagiingay lang. sayang taken na yung may magagandang couches nila dun, kaya lamesa lang yung amin. ok na din. may pagka na culture shock ako, unti lang naman, though gusto ko din maexperience pumasok sa ganon. kasi super meg o.a lakas ng music, na tipong titilapon na yung puso namin sa lakas, tas literal bar siya with the lights, usok and everything. nakakatawa nga kasi may shield ako na pinauso ni hulyo para di direct sa akin ang usok. salamat. haha. ayos naman, masaya:)
nagpunta naman kaming dalawa sa cheesecake, etc saglit para bilan ng pasalubong si mama, blueberry cheescake. sarap.
after bedroom, ngmcdo kaming lahat, kumain ng kaunti tapos sibatan time na. si ted at stella, humiwalay na, si dawna at lindel din, tapos kami sa kotse ni don at ibinababa ako nila sa sta. lucia kasama si hulyo at jerico upang ihatid sa sakayan. salamat. tas yun, nakipagkwentuhan ako sandali sa nanay ko at natulog hanggang 1pm, c'mon! haha.