enrollment.
bago pa man muna ako magenroll eh may nakasakay akong matandang babae sa fx... hindi naman gaanong matanda, pero basta.
ito yung mga naalala kong paguusap namin, natawa ako kaya naalala ko pa. yung iba, di ko na matandaan.
lola: (nakatitig pag sakay ko) may pasok ka na?
ako: ay wala pa po.
lola: eh bakit ka naka uniform? san ka ba nagaaral?
ako: enrollment lang po. sa UST po.
(silence)
lola: tignan mo iha itong bag ko, galing baguio pasalabong ng kapatid ko. aba'y malamig pa rin doon, madaming nagpupunta mga foreigners, talaga namang tourist attraction.
ako: oo nga po eh, tagal ko na po hindi nakakapunta doon.
(silence)
lola: san ka ba nauwi?
ako: sa cainta po.
lola: eh bakit nasa q.ave ka?
ako: hinatid lang po ako, para isang sakay nalang po papuntang UST
lola: ay ganon? kay layo naman. ano ba kotse nyo?
ako: crosswind po.
lola: ang kapatid ko din may kotse, ribo (revo), sayang nga eh na carnap sa may malate, sinaksak ang drayber, buti nalang eh nadala kaagad sa ospital, kundi patay na yun.
ako: grbe naman po.
lola: ay grbe talaga.
(silence)
ako: nagttrabaho pa po kayo?
lola: naku hindi na tumigil na ako. under ako ng medicine, tumigil nga lang ako kasi laiit ang sweldo sa gobyerno. akalain mong 500 a month lang. eh bawing bawi naman kami sa kapatid ko kasi verrry successful siya. nakakatuwa. sa CEU ako grumaduate eh. mataas grades ko.
ako: ahhh...
lola: alam mo bang dadating si Pope Benedict dio sa Pilipinas, at baka nga pumunta siya sa eskwelehan niyo.
ako: uh, oo nga po eh.
lola: lamu ba sa CEU pinapractice tlga namin ang religion. kayo ba? di ba may theology kayo?
ako: opo, every sem po.
lola: (magkkwento dapat pero bababa na ako)
ako: sige po.
lola: ocge. ingat ka.
*friends* hehehehe
nakakwindang ang new sked namin. di ko alam kung nakaktuwa dahil sa haba ng breaks namin, at ilan ilan na gabi ang uwi. pero sabagy, ok na din yun kaysa tuloy tuloy na tipong wala ng oras na kumain o gawin ang kahit ano pa man.
Monday
PSY 218
11:30-2:30
MATH 604
6:00-9:00
Wednesday
FIL 2
7:00-10:00
LIT 103
11:00-2:00
PSY 210
3:00-6:00
Friday
BES 201
11:00-2:00
SPN 1
3:00-6:00
Saturday
APP
1:00-4:00
-aba'y akalain nyo eh wala kaming pasok ng tth! yesss... and sana the way i see it, magiging ok kasi once a week lang pero subject, hindi kailangan madaliin ang bawat bagay na kailangan.
saya kasi nakita ko ang mga friends ko, grbe sa ingay, grbe sa gulo... see u all sa 13!