JULIUS TAN- di ko na kailangan isalaysay dito ang gusto ko sabihin
dahil nasabi ko na dba... di ko alam paano magpapasalamat, pero for now tanggapin mo muna yan...hehe...salamat kay buttercup....salamat sa effort...sobra! saludo ako sa iyo!
dumaan kami nung kinaumagahan sa simbahan. eh walang mass kaya nagdasal na
lang kami ng taimtim. nakita ko si mama umiiyak nung nagdadasal siya, tinanong ko siya kung bakit at sinabi niyang sobrang thankful lang talaga siya for havin me. sobrang
nakakatouch kasi sa mga simple ways ko ng pagtulong or making her smile eh malaking impact pala sa kanya...haaayyy...:)
o ayan nga, ayan ang mga bumati... sa training, oo nagttraining ako ng
"inglis"...hehhe... binati nila ako...salamat... tapos nun sinundo ako ni meg sa timog, at dumeretso kami sa shakey's at magddinnersana kami. Ang tagal tagal namin sa banyo ng shakey's... eh nagpasama si meg, at may hinhanap siya sa bag niya na hindi mapakali... kaya naman pala, dumating sina iana, don at july para isurprise ako. hnde ko inaasahan talag kasi sabi hindi na makakapunta dahil may inutos, naniwala naman ako shmpre...ang saya talaga. kasi andun ang friends ko, at favorite cake ko ay present, c/o machoman. salamat. at yun nagsalo salo kami. masaya. pagkatapos nun eh sinundo ako nina mama ta kuya, tapos pumunta kami sa bahay ng pinsan ko kasi gusto daw nila ako pumunta dun at magsalo salo din. tapos umuwi na kami... salamat sa mga regalo... sobrang dsalamt lalong lalo na sa effort niyong lahat! mmwwaaaahhh!whataa day... salamat talaga...
may 4- STARCITY
yehey, at kahit na muntikang hindi matuloy ang aming gettaway eh ayan, natuloy nga. akala ko eh malalate ako dahil ako nga ay may pasok. eh ayun, ang tagal din naming naghintay sa tropicalhut na may napakalaking pusa... nakow... habang hinhintay namin ang ibang friends, eh ayun nagaasaran lang at naglalaro. haha. at salamat kay cristina kasi naka 50% off ang mga girls
dahil sa kanyang coupon. yehey.
sumakay kami sa lahat...kaya nga ride all you can eh...walang aangal kahit masuka suka ka na walang papalag. masasay ang mg sinakyan namin, andun ang flying carpet, viking, roller coaster, wild river, at kung anu2 pa. may talong horror house dun eh wala naman akong ginawa kundi manghatak na damit at braso kasi nagugulat talaga ako kahit alam ko namang may lalabas... kawawang damit. si jerico eh hinatak pa yung palawit ng white lady na lumilipad, na narinig mo talaga yung punit na tunog. kawawa naman.
sinakyan din namin ang mga pambatang sasakyan katulad ng snowhite na kumurap ka lang e tapos na, andoon din ang lion king na inalog ka lang sa upuan mo at sayawan ng mga halimaw dun, little mermaid na nakakatawa ang mga drawings at kulay na parang nagungupas na, pero ang pinaka nagustuhan ko na pambata eh yung hercules...hahaha...isa shang kwart na puro yelo, pwedeng mag jacket pero makapal ang mukha namin at hindi kami ngjacket, sabi pa namin ang init2 eh. aba,bumubuga na kami ng usok sa ginaw, naka islibles pa man din ako, picturan kami ng picturan maski bawalayan nakarma kami, nakulong kami sa loob!!! wahaha...sobrang pinupukpok na nila dn ang pinto kasi nga maginaw tapos nakulong pa kami... nakakatawa...hahaha... yun ata ang parusa mga picture ng pictur sa loob maski sinabi ng bawal. hahaha... grabe dun eh pag patak ng 12am finishd or not finishd papatayin na nila ang ilaw. hahhaha..
naglakad kami mula ccp hanggang baywalk. masaya at halos hopeless na kakahanap ng kakainan kasi wala talaga kaming makita.at ayun, napadpad kami sa isang kainan na may banda, host na nakakatawa at mga audience na ke lalakas ng loob. pagod na kami pero dahil sa kanila eh nabuhay ang diwa namin. nagiging plural ang mga hindi naman dapat sa ,lyrcs nila. katulad na lamang nga kantang because of you: "because iof you my life has change, thank you for the love and the joy you bring" ayan ang tamang lyrics na kinanata ni 'leslie' sa ganitong paraan: "because of you, my life has 'tseynds', thankS you por the love and
the joy you bring..." oh my gulay... grabe na ito... uwi na tayo...haha... talaga naman... mga past 2am na kami na alis dun...
nag taxi kami papunta kina den with ted... dun kami matulog sa kanila. Nagwash up lang tapos daldalan buong umaga... si den natulog kasi may pasok that day, kaya kami ni ted ang nag usap hanggang tumilaok ang mga manok... hindi na din kasi ako makatulog... ang daming napagusapan, sobra... masaya naman... pro nung kinakausap niya ako nigala akong nakatulog, sabi niya, sorry hehe. tapos nataranta ako nung ginising, kala ko aalis na, naalimpungatan ako ata. tapos umuwi na. Nung hapon that day, sumama ako sa qc, nakipahinga...hehe...
post birthday celebration(may 5)
hindi naman masyadong celebration pero dinala ako ni mama sa tiendesitas na kung saan nandoon ang pinaka gusto kong luto ng seafoods...particularly ang butterd clams... masarap talaga. nalibot kami pagkatapos at lumipat sa fun ranch. Bagong
amusement park? o basta palaruan ng mga kiddos at mga young at heart. ang laki laki ng jungle gym sobra!! sarap maglaro... kung pwede lang ako eh... babalik kami sa susunod kasama ang mga pinsan at pamangkin ko...tapos tinignan namin yung powerstation, dapat maglalaro ako eh gabi na din kasi kaya umeskapo na kami. at umuwi na.
training (april 27-may 16)
ayun nga nabanggit ko na ako'y nagttraining ng english... ok naman...masaya talaga kasi classroom style ang setup... at ako ang youngest...hahaha...himala... medyo napapagalitan nga lang ako paminsan minsan kasi maingay ako... at siyempre may mga kausap naman...ok din kasi nakikita mo ang iba's ibang klaseng tao sa paligid mo. iba iba kasi kami ng age bracket. merong
teacher, merong student din, computer technician, mother of three, ofw, caregiver at mga ganon. masaya sila kasalamuha kasi iba iba ng point of view. good student naman ako dito. nabbery good ako sa pronounciations... naks...hahaha...
sa last day ata eh may salo salo kami. sana matuloy.